Walang ibang dapat sisihin si Willie Revillame kundi ang kanyang sarili kung nasa gitna na naman ito ng kontrobersya at naging dahilan ng pagkawala ng kanyang show sa ere simula sa Lunes.
Ito ang matinding sagot ni administration Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa bintang ni Revillame na kaya siya ginigipit ng mga ahensya ng gobyerno, kabilang na ang ABS-CBN, ay dahil hindi si Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III ang kanyang sinuportahan noong 2010 presidential elections kundi si Sen. Manny Villar.
Hindi umano totoong kaya siya napapag-initan ng Commission on Human Rights, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) ay dahil sa hindi siya kaalyado ng administrasyon.
“Wala siyang ibang pwedeng sisihin kundi sarili niya. Mismong istasyon niya eh humingi na ng sorry kaya wala na siyang lusot,” wika pa ng esposo ni mega star Sharon Cuneta.
Nitong nakalipas na Biyernes ng gabi ay nagpaalam na si Revillame sa kanyang mga manonood sa TV5 dahil mawawala daw muna ng dalawang linggo ang programang Willing Willie.
Nanindigan din ito na wala siyang mali sa pagsayaw ala-macho dancer ng 6-anyos na si Jan Jan sa kanilang episode noong Marso 12, pero ilang internet user ang nag-spliced umano ng video at pinalabas na kinawawa niya ang bata bago ito sinakyan ng ABS-CBN.
“Kalokohan iyan. Hindi maaaring magsinungaling ang video,” pagdiriin ni Pangilinan, may-akda ng batas na nagbibigay proteksyon sa mga bata.
link:http://www.abante-tonite.com/issue/apr1011/news_story02.htm