gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Palasyo ‘di dapat manghimasok sa ARMM -- Marcos

    avatar
    kerl_03
    Registered Member


    Location : laoag city,ilocos norte
    Posts : 206

    Palasyo ‘di dapat manghimasok sa ARMM -- Marcos Empty Palasyo ‘di dapat manghimasok sa ARMM -- Marcos

    Post by kerl_03 Sun Mar 20, 2011 8:35 am

    Hindi umano dapat pakialaman ng Malacañang ang pulitika sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) matapos isulong ang pagpapa­liban ng eleksyon sa na­sabing rehiyon.

    Ayon kay Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., chairman ng Se­nate committee on local go­vernment, hindi dapat pang­himasukan ng Palas­yo ang pulitika sa ARMM at dapat igalang nito ang autonomous status ng naturang rehiyon.

    “No amount of lega­lese will change the spi­rit of the laws that govern the ARMM charter,” ani Marcos.

    Sinabi pa ng senador na taliwas umano sa charter ng ARMM ang plano ng Malacañang na magtalaga ng mga officers-in-charge (OICs) bilang kapalit ng mga hinalal na opisyal.

    “The Palace’s insistence on the postponement of elections in the ARMM and subsequent appointment of officers-in-charge (OIC’s) to replace elected officials in the interim goes against the very core of the charter that, being, autonomy,” ayon sa senador.

    Giit pa ni Marcos, dapat suriin ng Malacañang ang salitang “autonomous” at igalang ito upang maipakita ang sinseridad nito sa mga mamamayan sa Mindanao.

    “Autonomous means, Malacañang keep away,” wika pa ni Marcos.

    Mas mainam aniyang pakinggan na lamang ng Malacañang ang totoong damdamin ng mamamayan sa ARMM at huwag pakialaman ang pulitika doon.

    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 5:44 pm