Pambato ng TV5 si Joey de Leon sa tatlong programang ibabalandra ng network simula ngayong Linggo. Pinoy Samurai ang title ng gag/game show ni Joey at makakasama niya sina Mr. Fu, Rufa Mai, Wilma Doesnt at ang sumo wrestler na si
Tiny.
“Sanay na ako sa TV5. Ako ang pinakamatanda sa lahat! Ha! Ha! Ha!
“Parang hindi ako sanay ng ganito! Sanay ako ng nakaupo lang!” sey ni Joey nang umupo siya sa bawat table para makausap ng press.
Okey naman ba ang pamamalakad ng TV5?
“Okey naman! Parang imbestigasyon, huh! Ha! Ha! Ha!
“Sanay lang ako nang naka-mesa,” sambit muli ng komedyante.
Siyempre, hindi naiwasang itanong kay Joey ang pag-i-endorse ni Willie Revillame sa Eat Bulaga sa programa nito sa Singko.
“Napanood ko ‘yon! Ayos lang. Salamat! Magkasama naman kami sa Singko. Alangan namang siraan niya ako, ‘di ba? Dala lang ng pagka-ano niya ‘yon sa kabila. Ayos ‘yon. Wala naman kaming gulo nu’n!” paliwanag ni Joey.
Ano naman ang komento niya sa pagbabalik ng dating show na Iskul Bukol sa TV5?
“Narinig ko lang ‘yan. Eh, ‘di okey. Pero hindi pa kami…Alam lang namin na gagawin. Pero hindi puwedeng eksakto. Hindi pero ganoon din ang takbo. Masaya ‘yon. Kasi kung meron man akong iri-revive na show, ‘yon ang gusto ko! Pero hindi na kami estudyante. Gagamitin lang yata nila ang Wanbol University.
“Same setting, pero ‘yung mga tao, iba na. Estudyante at teachers. Hindi kami kasali doon,” katwiran ni Joey.
Bukod sa show ni Joey, kasunod nito ang show nina Eugene Domingo at Keempee de Leon na Lucky Numbers sa ala-una nang hapon. Isang milyong piso ang nakatakdang ipamigay ng game show.
Pagdating ng 2 p.m., ang youth oriented show na Fantastik ang mapapanood na fans’ day ang drama. Join dito sina Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Danita Paner at JC de Vera bilang hosts.
Tagaaliw naman ang stars ng TV5 na sina Princess Ryan, Dianne Medina, Carla Humpfries, Sakto Boys na sina Rodjun Cruz, Edgar Allan Guzman, Lucky at Rainier Castillo; pati ang Star Factor talents ay kasama rin at dagdag rito sina Gerald Santos, DJ Mike, Gloc 9 at marami pang iba.
[You must be registered and logged in to see this link.]