“Obligasyon ko bilang pinuno na lumapit sa lahat ng sektor para kausapin kahit pa ang sabi ng iba'y dapat i-excommunicate na ako.”
Ito ang lantarang pagpapahayag ng suporta ni Pangulong Noynoy Aquino sa responsible parenthood sa isang commencement speech sa University of the Philippines.
Agad namang binatikos ni Archbishop Oscar Cruz si PNoy.
"There's a sense of omnipotence... You display some kind of arrogance," ani Cruz.
"'Yung nanay niya pamoso nga sa kabanalan. Ang totoo, bibigyan na sana siya ng papal award... And here comes this son who has this anti-Christian (stand)," dagdag ng obispo.
Sa ANC Headstart kanina, tinira ulit ni Cruz si Aquino at sinabing walang nagbabanta sa Pangulo na i-excommunicate siya.
"I dont think he knows what he's saying... The 'excommunication' word did not come from CBCP," aniya.
Buwelta ng Malacañang, hindi makatarungang tawagin ni Cruz si Aquino na "anti-Christian" dahil lang sa pagsuporta sa responsible parenthood bill.
Sa pagbabalikan ng patutsadahan, nauwi na sa love life ni PNoy ang usapan.
Nang tanungin kung papayagan niyang mag-asawa si PNoy, aniya, "No."
"Those who get married young and those who get married old, 40 and above, these are marriages that are unstable," eksplanasyon ni Cruz.
Ayon kay Cruz, marami pang dahilan kung bakit hindi dapat mag-asawa ang Pangulo na hindi niya mabanggit sa publiko.
Posibleng mas mabuti raw na manatiling single ang Pangulo.
"Happier or not, no more. I'm thinking more marriage per se. The person is there. But as i said, no, 40 is old," ani Cruz.
Minaliit naman ng Malacañang ang pahayag ni Cruz.
Ayon kay Undersecretary Abigail Valte, hindi personal na kilala ni Cruz ang Pangulo para bigyan ng konklusyon ang kanyang personal na buhay.
[You must be registered and logged in to see this link.]