Iginigiit na ng ilang kongresista na kontrolin ng gobyerno ang
pagbebenta ng mga subscriber identity module (SIM) cards dahil sa
karaniwang nagagamit ito sa iba't-ibang uri ng krimen.
Ayon kina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao Rep.
Maximo Rodriguez, kailangan na ang mahigpit na regulasyon dahil ang SIM
cards ay madali at murang nabibili ng sinuman.
Naghain ang magkapatid na Rodriguez ng House Bill 1650 na nag-aatas sa
lahat ng gumagawa, nagbebenta at may-ari ng cell phones na irehistro ang
kanilang mobile phone at SIM cards sa National Telecommunications
Commission (NTC).
Ang mga pre-paid SIM cards naman ay kailangang irehistro sa public
telecommunications entities na siyang magtatago ng identity ng may-ari
ng isang partikular na SIM kasama na ang ibang impormasyon hinggil dito
gaya ng address.
Kapag naisabatas ito, ide-deactivate ang mga sim cards na hindi
mairerehistro, habang ang mga lalabag naman na telecommunications firm
ay pagmumultahin ng kalahating P.5-million, makakanselahan o
matatanggalan ng lisensiya at ang mga opisyal ay puwedeng makulong ng
anim na buwan.
Ipinaliwanag ng dalawang mambabatas na ito ay para na rin sa proteksiyon
ng mga cellphone carriers, retailers at individual owners at
subscribers lalo na ngayong instrumento na ang teknolohiyang ito sa
kriminalidad.
Matatandaang ang triggering device umano sa Makati blast kahapon ay isang Nokia cell phone na hawak ngayon ng mga otoridad.
[You must be registered and logged in to see this link.]