gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


2 posters

    Kumontak sa Cagayan!

    avatar
    kerl_03
    Registered Member


    Location : laoag city,ilocos norte
    Posts : 206

    Kumontak sa Cagayan! Empty Kumontak sa Cagayan!

    Post by kerl_03 Sun Mar 20, 2011 8:25 am

    STANDINGS
    TEAMS W L
    Smart Gilas 5 0
    Talk ‘N Text 5 1
    Alaska Aces 4 2
    Rain or Shine 3 2
    Brgy. Ginebra 3 2
    B-MEG Derby Ace 2 4
    Powerade 2 4
    San Miguel Beer 1 4
    Air21 1 4
    Meralco Bolts 1 4

    Ginatilyo ni Jimmy Alapag ang anim sa kanyang 11 points sa overtime upang giyahan ang Talk ‘N Text sa pagpanis sa Alaska Milk, 85-80, sa dayo ng Phoenix Fuel PBA Commissioner’s Cup Road On Tour sa Xavier University gymnasium sa Cagayan de Oro City kagabi.

    Ang anim niyang puntos sa five-minute extra period ang aktuwal na nagsindi sa 10-5 atake ang hukbo niya para makontak ng TNT ang limang pana­nalasa sa anim na salang at masolo ang segunda kasabay sa pagsalya sa Alaska sa tersera sa 4-2.

    Nadale rin ni Mighty Mouse ang best player of the game mula sa TV panels dahil sa krusyal ang kanyang produksyon na pinalamanan pa ng four rebounds at five assists para sa pagligtas sa Tropang Texters na kinontrol ang regulasyon.

    Dumistansya pa ang mga alagad ni Chot Reyes ng 14, 54-39, sa undergoal stab ni Ranidel de Ocampo, may 4:14 sa gameclock ng third quarter.

    At dinala ni LA Tenorio sa OT ang salpukan sa 3-point shot sa pag-eskapo sa depensa ni Jason Castro, 4.9 se­gundo lang.

    Sa manipis na oras na iyon, puwede pang masakote ng Texters ang W sa regulation.

    Pero sablay sa atake niya sa basket si Paul Harris dahil sa nakakain­timidasyong depensa sa ere ni Cyrus Baguio tapos maalpasan si LD Williams.

    Balik-Araneta Coliseum sa Quezon City ang dalawang siyapulan nga­yon na rito’y durugtungan ng Barangay Ginebra (3-2) ang back-to-back wins laban sa sumusuray-suray na utol na San Miguel Beer (1-4) sa 6:30 p.m. main game.

    Ang 4 o’clock curtain-raiser ay magtatampok sa magpapatiran ng losing-streak ding Rain or Shine (3-2) at Air21 (1-2) kagaya ng Beermen.

    Nasa kambal na olat ang RoS, huli kontra Smart Gilas Pilipinas kamakalawa, 99-94; ang San Miguel ay nasa tatlo na ang pinakabago ay sa 99-91 kontra Powerade; at ang Express ay mas mahaba -- apat -- tampok ang 107-92 laban sa Kings.

    [You must be registered and logged in to see this link.]
    rich2011
    rich2011
    GI-SAM


    Location : manila
    Posts : 423

    Kumontak sa Cagayan! Empty Re: Kumontak sa Cagayan!

    Post by rich2011 Sun Mar 20, 2011 1:00 pm

    ganda ng laban
    rich2011
    rich2011
    GI-SAM


    Location : manila
    Posts : 423

    Kumontak sa Cagayan! Empty Re: Kumontak sa Cagayan!

    Post by rich2011 Sun Mar 20, 2011 1:00 pm

    ganda ng laban

    Sponsored content


    Kumontak sa Cagayan! Empty Re: Kumontak sa Cagayan!

    Post by Sponsored content


      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 5:24 pm