TUGUEGARAO CITY - Nahaharap sa kasong
paglabag sa RA 9147 o Wildlife Protection Act ang apat na katao matapos
maaktuhang nagkakatay ng pawikan o sea turtle sa Brgy. Biduang,
Pamplona, Cagayan.
Nakilala ang mga suspek na sina Tony
Burgos, Molong Kolasing at ang magkapatid na Julio at Hilario Cardenas,
pawang residente ng nasabing lugar.
Nagpapatrolya ang mga pulis nag
makatanggap sila ng sumbong na mayroong nagkakatay ng pawikan sa lugar
kung kaya't agad silang rumesponde.
Sinabi ni S/Insp. Edgar Unista, hepe ng
Pamplona PNP, kinumpiska nila ang apat hanggang limang kilo ng karne at
itlog ng pawikan na nakatakda sanang ibenta ng mga suspek.
Una rito, nagbabala ang Bureau of
Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mamamayan na nakakahuli ng
mga marine mammals na ipasakamay sa mga kinauukulang ahensiya ng
pamahalaan at huwag katayin dahil mahigpit itong ipinagbabawal ng batas.
[You must be registered and logged in to see this link.]