gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Cagayan at Kalinga, total blackout kay 'Mina'

    lance77
    lance77
    Registered Member


    Location : Laoag Ilocos Norte/Pangasinan
    Posts : 431

    Cagayan at Kalinga, total blackout kay 'Mina' Empty Cagayan at Kalinga, total blackout kay 'Mina'

    Post by lance77 Sat Aug 27, 2011 11:39 am

    TUGUEGARAO CITY - Nakakaranas ngayon ng total blackout o kawalan ng supply ng kuryente ang lalawigan ng Cagayan at Kalinga maging ang bahagi ng Isabela simula kagabi dahil sa epekto ng bagyong Mina.

    Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), naapektuhan ang linya ng koryente dahil na rin sa sama ng panahon.

    Sinabi ng kompaniya na tutulak ngayong araw na ito ang kanilang mga tauhan upang alamin ang sanhi ng problema at nangako na sisikapin nilang maibalik ang supply ng koryente sa lalong madaling panahon

    Umabot naman sa 25 pamilya na binubuo ng 106 na katao ang isinailalim sa preemptive evacuation sa bayan ng Gonzaga, Cagayan dahil na rin sa pananalasa ng bagyong Mina.

    Ang mga nasabing residente ay nakatira sa tabing ilog at agad silang dinala sa mga evacuation centers.

    Mahigit 60 pasahero naman ang stranded sa mga pantalan sa bayan ng Sta. Ana at Aparri dahil sa sama ng panahon.

    Ang mahigit 40 sa mga ito ay nasa bunkhouse sa Sta. Ana kung saan pauwi sana ang mga ito sa Divilacan at Maconacun, Isabela, habang ang mahigit 20 naman ay nasa Aparri na papunta ng isla ng Calayan sa Cagayan.

    Sa panayam naman ng Bombo Radyo sa Provincial Risk Reduction Management Council (PDRRMC) at DSWD Region 2, nasa 24 na oras silang nakasubaybay sa sitwasyon para sa anumang tulong na maaari nilang maibigay sa mga posibleng maaapektuhan pa ng bagyo.

    Ayon sa PDRRMC, nakalarga na ang kanilang mga rescue teams at kanilang mga kagamitan habang tiniyak ng DSWD na sapat ang supply ng mga relief goods.

    Sa ngayon ay nakakaranas pa rin ng malakas na bugso ng hangin at manakanakang pag-ulan ang lungsod ng Tuguegarao dahil pa rin kay "Mina."

    link: [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 6:41 pm