TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Nahaharap ngayon sa kasong panggagahasa ang isang binatilyo matapos nitong gahasain ang walong taong gulang na batang babae sa Iguig, Cagayan.
Sinasabing pauwi ang biktima matapos makipanood ng telebisyon sa kanilang kapitbahay sa Brgy. Minanga Norte, Iguig nang harangin siya ng suspect, isang 3rd year high school student.
Kinaladkad umano ng 17-anyos na akusado sa kanilang bahay ang biktima kung saan isinagawa ang panghahalay.
Matapos ang pangagahasa, pinagbantaan pa umano ng suspect ang bata na huwag magsumbong sa kanyang mga magulang kung ayaw nitong mamatay.
Ngunit, umamin ang Grade III pupil na biktima matapos siyang sitahin ng kanyang ina nang mapansin na duguan ang kanyang underwear.
Dahil dito, agad nakipag-ugnayan sa mga otoridad ang magulang ng bata kung saan naaresto ang salarin na nasa pangangalaga ngayon ng Cagayan Valley Rehabilitation Center for Youth ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Enrile, Cagayan.
[You must be registered and logged in to see this link.]