gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Special election sa Cagayan mababa ang turnout; ilang nag-evacuate, 'di nakaboto

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Special election sa Cagayan mababa ang turnout; ilang nag-evacuate, 'di nakaboto  Empty Special election sa Cagayan mababa ang turnout; ilang nag-evacuate, 'di nakaboto

    Post by jezz_wazz Sat Mar 12, 2011 8:03 pm

    TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Nag-umpisa na ang bilangan ng mga boto kaugnay sa Congressional special elections sa segunda distrito ng Cagayan.

    Kaugnay nito, nakaalerto pa rin ang 1,215 na kasapi ng pulisya at militar para masiguro ang seguridad ng mga botante.

    Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Catherine Alias, provincial election supervisor ng Cagayan, kinumpirma nito na naging maayos ang pagsisimula at pagsasara ng botohan kaninang alas 3:00 ng hapon.

    Ayon kay Alias, pangkalahatang mapayapa ang nasabing halalan dahil wala silang naitalang mga karahasan mula sa 12 bayan sa segunda distrito sa tulong ng mga naka-deploy na pulisya at militar.

    Kasabay nito, napag-alaman din kay Alias na mababa ang voters turnout dahil ilan sa mga residenteng lumikas bunsod ng tsunami alert ay hindi pa nakabalik sa kanilang mga tahanan habang ang ilan sa mga estudyante ay hindi rin nakauwi para bomoto.

    Isinagawa ang nasabing halalan para mapunan ang nabakanteng puwesto nang pumanaw na si Rep. Florencio Varga noong Hunyo 2010 dahil sa kanyang karamdaman.

    Samantala, sa inisyal na resulta, si Baby Aline Vargas Alfonso ay mayroon nang nakuhang 698 votes habang si dating Cagayan Gov. Edgar Ramones Lara ay mayroong 493 votes.



    link: [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 3:54 pm