gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Empleyado ng gobyerno sa Cagayan, pinugutan ng ulo

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Empleyado ng gobyerno sa Cagayan, pinugutan ng ulo  Empty Empleyado ng gobyerno sa Cagayan, pinugutan ng ulo

    Post by jezz_wazz Thu Nov 10, 2011 10:54 am

    TUGUEGARAO CITY - Karumaldumal ang sinapit ng isang kawani ng pamahalaang lokal ng Iguig, Cagayan matapos pugutan ng ulo sa Brgy. Santiago sa nasabing bayan.

    Naiuwi na ang katawan ng biktimang si Estelito Padilla ng nasabing lugar ngunit hanggang sa ngayon ay patuloy na hinahanap ng mga otoridad ang ulo nito.

    Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ng maybahay ni Estelito na si Leonita, na saka lamang nila nalaman ang sinapit ng biktima noong pinuntahan siya ng sundalong anak na si Sgt. Ceasar Padilla sa binabantayang dam.

    Nagulat na lamang umano ang kaniyang anak noong makita na nakahandusay ang ama at wala ng ulo sa kaniyang kubo.

    Posible umanong pinugutan ang biktima gamit ang isang itak.

    Napag-alaman na matagal na umanong caretaker ng dam sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Santiago si Padilla matapos italaga ni Iguig Vice Mayor Ferdinand Trininad noong 1995.

    Gaya ng mga otoridad, blangko rin ang pamilya Padilla sa motibo ng pagpugot sa ulo ni Estelito ngunit may hinala ang pamilya na kagagawan ito ng pinaghihinalaan nilang responsable sa sunud-sunod na pagkawala ng kanilang mga alagang kambing.

    Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen.
    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 5:51 pm