KALIBO, Aklan - Isa ng malamig na bangkay nang matagpuan ang 10-anyos na batang babae sa kakahuyan Kalibo.
Ang biktima ay nakilalang si Marigold Juanito, Grade 1 pupil at residente ng Poblacion, Madalag na natagpuan na wala ng buhay sa isolated na bahagi ng Sitio Tumaewag sa nasabing bayan kahapon bandang ala 11:00 ng umaga.
Mismong kapatid ng biktima ang nakakita na nakahandusay na paslit sa damuhan at wala ng underwear at parang nagmamakaawa ang itsura nito.
Posible rin na hinataw ng matigas na bagay ang ulo ng biktima at tinalian pa ang leeg na nagresulta sa paglabas ng kanyang dila.
Malakas ang paniniwala ng pamilya ng biktima at mga otoridad na ginahasa ang biktima dahil sa nagkalat na mga damit sa crime scene.
Ayon sa pahayag ng ina ng biktima na si Nenita Juanito na noong nakaarang araw ng Sabado ay nagpaalam sa kanya ang anak na pupunta sa kanilang taniman at dahil sa medyo may kalayuan inakala nila na doon natulog ang anak sa kanyang kaibigan.
Pero nitong araw ng Lunes ay hindi pa rin nakauwi ang biktima kaya nagpa-blotter na sila sa Madalag PNP.
Agad namang isinailalim sa post mortem examination ang bangkay ng biktima at patuloy pa ang imbestigasyon ng Madalag PNP at SOCO Team-Aklan.
Mayroon na ring inimbitahan na ilang mga personalidad na posibling may kinalaman sa brutal na pagpatay sa biktima.
Habang pinag-ibayo naman ang manhunt laban sa tumakas na suspek.
[You must be registered and logged in to see this link.]