DAGUPAN CITY - Patay ang isang ama matapos barilin ng kanyang anak habang natutulog sa kanilang bahay sa Barangay Abonet sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan.
Kinilala ang nasawi na si Pedro de Vera , 72, residente ng nasabi ring lugar.
Kinilala naman ang suspek si Jerry de vera, 22, isang binata.
Ayon kay Supt. Marlon Tayaba, chief of police sa lungsod ng San Carlos, bago ang insidente ay nag-away ang mag-ama matapos pagsabihan ang biktima na mistulang pinagbibintangan na siyang kumuha sa itinatago nitong pera.
Nagalit umano ang suspek at nagdilim ang paningin.
Nang natutulog na ang kanyang ama ay pinasok ng suspek at binaril sa ulo gamit ang sumpak.
Wasak ang ulo ng biktima at nang makitang patay na ang ama ay itinapon sa septic tank malapit sa kanilang bahay at sinunog pa ang bangkay.
Nadiskubre ng kanilang mga kapitbahay ang sunog na bangkay kaya ini-report sa pulisya.
Samantala, agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad at naaresto ang suspek sa bahay ng kanyang kasintahan sa bayan ng San Jacinto.
Sa ngayon, nakatakdang kasuhan ng parricide ng mga otoridad ang suspek.
link:http://www.bomboradyo.com/index.php/news/latest-news/48862-ama-pinatay-at-sinunog-ng-anak-bangkay-itinapon-sa-septic-tank