NAGA CITY - Misteryo pa rin hanggang
ngayon kung sino ang nasa likod ng pagnanakaw at umano'y panggagahasa pa
sa isang hinukay na bangkay sa Camarines Sur.
Ito ay matapos makita na lamang ang
bangkay ng isang dating overseas Filipina worker (OFW) na kinilalang si
Gregoria Goyeta, 55, ng Masoli bayan ng Bato.
Ayon kay deputy chief Insp. Van Layosa
ng PNP Bato, ini-report ni Barangay Kagawad Edgar Santillan ang
insidente na ayon sa impormasyon inilibing lamang nitong nakalipas na
Setyembre 5.
Nakita ang nasabing bangkay na nasa 15 metro na mula sa kanyang puntod.
Napag alaman na ninakaw ang suot na
hikaw at kuwintas ng patay na biktima habang wala na rin itong underwear
na suot, dahilan upang paniwalaan na mga otoridad na liban sa
pagnanakaw ay nagawa pang halayin ang nasabing bangkay.
Pinaniniwalaan naman na ang nag-udyok sa
mga salarin na gawan ng masama ang bangkay ay dahil sa larawan niya na
nasa ibabaw ng puntod na kuha pa noong siya ay nag- eedad 20-anyos pa
lamang.
[You must be registered and logged in to see this link.]