BUTUAN CITY - Hindi naitago ng isang mister ang ginawang pagpatay sa kanyang sariling misis na inilibing niya sa putikan matapos na madiskubre ito ng kanyang mga kapitbahay sa Brgy. Calibunan, Cabadbaran City sa Agusan del Norte.
Una rito, nakita ang bangkay ng biktima na kinilalang si Elen Guyano, 21, sa putikang bahagi ng Sitio Maibu, Purok 4 ng nasabing barangay.
Nahuli ng mga otoridad ang mister na si Gerry Guyano, 25, matapos umuwi sa kanilang bahay.
Dito na nalaman sa kanya na ang dahilan umano sa kanyang pagpatay sa asawa ay hindi na matiis ang kahirapan kaya pinatay niya ito sa pamamagitan ng paglublob sa tubig at sa putikan.
Matapos na mamatay ang kanyang misis ay doon na rin niya ito inilibing.
Samantala, inaantay ng mga otoridad ang reklamo na isasampa laban sa suspek ng mga kaanak ng kanyang misis.
orig. link:
[You must be registered and logged in to see this link.]