TACLOBAN CITY - Inamin ng tatlong suspek ang karumaldumal na krimen na kanilang ginawa sa pagpatay sa magkasintahan sa Leyte.
Ang mga biktima ay ang anak ng PDEA-8
spokesperson na si Cayetano James Bauy, 17, residente ng V&G,
Tacloban City at anak ng isang retired police officer na si Cathleen
Rose Gamba, 13, na taga-Brgy. Luwan Dulag, Leyte.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Tacloban,
napag-alaman na inamin mismo ng tatlong suspek na sina Kyster Ducanes
at ang magkapatid na sina Remwie at Rogelio Ontog Jr., ang pagpatay sa
dalawang biktima.
Isinalaysay pa ng isang suspect kung paano nila hinalay ang dalagita.
Sinabi ni Kyster, unang pinatay ni Rogelio ang boyfriend.
Habang pinagsasamantalahan umano ng
dalawa niyang kasama ang babae, hawak-hawak pa niya ang binatilyo para
hindi ito magkaroon ng pagkakataon na lumaban at makatakas.
Dagdag pa ni Ducanes, siya raw ang
huling nanghalay sa babae pero bago pa man niya ito ginawa ginilitan na
ng leeg ang BF ng kasamahan na si Ontog Jr.
Pinigilan pa umano ni Ducanes at ni
Remwie si Rogelio na 'wag patayin ang dalawang biktima, ngunit sinabi
nito na makukulong pa rin sila kaya't tinuluyan nang patayin ang mga
ito.
Pahayag pa nito, wala sana silang plano
na halayin at patayin ang dalawa, kung saan ang unang plano ay kunin
lang sana nila ang cellphone at pera ng mga ito.
Itinanggi naman ng mga suspek na gumamit sila ng droga bago nila ginawa ang krimen.
Pero inamin ng mga ito na lasing sila nang mga sandaling 'yon.
Samantala, labis naman ang pagsisisi ng tatlo sa ginawa nilang krimen.
Pahayag pa ni Remwie, nakonsensya raw
siya sa kanilang ginawa kaya umamin na lang ito dahil tiyak aniyang sa
kulongan din ang bagsak nila.
Ang magkasintahan ay brutal na pinatay
noong nakaraang Agosto 28, 2011, sa Brgy. San Rafael, Sitio Langkuro,
Dulag, Leyte, habang nagde-date ang mga ito.
[You must be registered and logged in to see this link.]