MEMPHIS - Hawak na ngayon ng mga
otoridad ang isang 17-anyos na estudyante mula sa isang private school
sa Memphis, Tennessee, sa paniniwalang may kinalaman ito sa pagpatay sa
kanilang principal.
Ayon sa city fire department, natagpuang
patay at naliligo sa kanyang sariling dugo ang principal na si Suzette
York, 49-anyos, sa loob ng isang classroom sa Memphis Junior Academy.
Homicide ang nakikitang motibo ng
pulisya sa krimen subalit hindi pa sinasampahan ng anumang reklamo o
kaso ang naturang high school student bagama't naka-detene ito.
Isang prayer vigil ang isinagawa matapos ang insidente.
"It's tragic all the way around," pahayag ni Mayor A.C. Wharton Jr.
Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang suspek.
Si York ay principal ng nasabing paaralan mula noong 2008 at mayroong naiwang pamilya sa nasabing estado. (CNN)
[You must be registered and logged in to see this link.]