BAGUIO CITY - Nabigo ang balak ng isang
lalaki na maghahatid sana ng 16 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng
P880,000 pesos sa Mountain Province matapos wala itong kaalam-alam na
pulis pala ang nakatabi nito sa loob ng bus.
Ayon kay Chief/Insp. Engelber Soriano,
public information office chief ng Cordillera PNP, nakilala ang suspek
na si Domingo Agyao Macad, 25, Tinglayan, Kalinga.
Sumakay sa isang bus ang nasabing suspek
mula sa Tabuk City, Kalinga at ihahatid sana nito sa Bontoc, Mt.
Province ang 17 na piraso ng marijuana bricks na nakasilid sa isang bag
at isang karton.
Subalit, wala itong kaalam-alam na isa palang pulis ang naka-sibilyan na nakatabi nito sa loob ng bus.
Sa salaysay ni PO1 Davis Falolo, noong
nasa Tinglayan, Kalinga pa lamang ang mga ito ay nalalanghap nito ang
amoy ng marijuana mula sa mga bagahe ng suspek na nakalagay sa top load
ng bus.
Gayunpaman, hindi pa rin nagpahalata ang nasbing pulis hanggang sa makarating ang mga ito sa Bontoc, Mt. Province.
Nang bumaba ang suspek mula sa bus at
sumakay ito sa isang tricycle, sinundan pa rin ito ng pulis hangang sa
magawa nitong arestuhin ang lalaki sa tulong ng isang police compact sa
Poblacion, Mt. Province na.
Nakakulong ngayon ang suspek at humarap ito ng kasong paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensice Dangerous Drugs Act of 2002.
[You must be registered and logged in to see this link.]
*************
Mga pulis sa 2010 torture video, pinaaaresto na ng korte
Ipinaaaresto na ng korte ang mga Pulis-Maynila na isinasangkot sa torture video na kumalat sa mga social networking sites.
Ito
ay sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Judge Tita Bughao-Alisuag
laban kina Supt. Rogelio Rosales Jr; S/Insp. Joselito Binayug; SPO3
Joaquin de Guzman; SPO1 Rodolfo Ong Jr; SPO1 Dante Bautista; PO1 Nonito
Binayug; at PO1 Rex Binayug.
Ibinasura rin ng hukom ang mosyon
na inihain ng mga pulis na humihiling na ibasura ang impormasyong
inihain laban sa kanila kaugnay sa paglabag sa Republic Act 97-45 o Anti
Torture Act of 2009 na humantong sa pagkamatay ng isang tao.
Sa dalawang pahinang kautusan, nakitaan umano ng probable cause ang reklamong isinampa laban sa mga nabanggit na pulis.
Una
nang inirekomenda ng DoJ ang paghahain ng kaso sa korte laban sa mga
nasabing respondent na nag-ugat sa inihaing reklamo ng PNP CIDG at ng
private complainant na si Margie Catalan-Evangelista, ang maybahay ng
umano'y biktima ng torture na si Darius Evangelista na napaulat na
nawawala noon pang March 5, 2010.
Naging kontrobersyal ang
nasabing kaso makaraang lumabas ang video ng pagtorture noong Agosto ng
nakaraang taon na kinasasangkutan ni Joselito Binayug, ang dating
commander ng Asuncion Police Community Precinct sa Tondo, Manila, kung
saan din umano naganap ang pag-torture.
Una nang itinanggi ni Binayug ang nasabing paratang.