gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Babae sa Saudi, hinatulang guilty sa pangkukulam, pinugutan ng ulo

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Babae sa Saudi, hinatulang guilty sa pangkukulam, pinugutan ng ulo  Empty Babae sa Saudi, hinatulang guilty sa pangkukulam, pinugutan ng ulo

    Post by jezz_wazz Tue Dec 13, 2011 7:10 pm

    JEDDAH, Saudi Arabia - Pinugutan ng ulo ang isang babae sa Saudi Arabia na nahatulang guilty umano sa pangkukulam.

    Ayon sa Saudi Interior Ministry, ginawa ang execution ni Amina bint Abdulhalim Nassar sa lalawigan ng Jawf.

    Ang pangkukulam ay mahigpit na ipinagbabawal sa napakakonserbatibong Saudi Arabia.

    Umani naman ng pagkondena ang ginawang pagpugot ng ulo kay Amina.

    Ayon sa Amnesty International, ika-73 na umano si Amina na in-execute sa Saudi ngayong taon.

    Giit ng grupo, hindi naman krimen sa
    Saudi ang pangkukulam at nanawagan na itigil ang ginagawang pagpugot ng
    ulo sa mga akusado. (ABC)


    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 9:08 pm