(Update) Lalo pang lomobo ang bilang ng mga nasawi at nawawala sa naging epekto ng bagyong Mina sa Pilipinas.
Batay sa ulat ngayong umaga ni Usec. Benito Ramos, ang executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 13 ang bilang ng mga nasawi matapos maidagdag sa talaan ang dalawang nasawi sa naganap na landslides sa Benguet.
Pinaka-latest na narekober ang bangkay ng isang nalunod na matanda sa Sarrat, Ilocos Norte.
Nadagdagan din ang bilang ng mga nawawala na ngayon ay umabot na sa siyam habang nanatiling 21 ang nasugatan.
Karamihan sa mga biktima ay mula sa Region 1 at Cordillera Administrative Region (CAR) habang walang naitalang casualty sa lugar na mismong tinamaan ng mata ng bagyo partikular sa lalawigan ng Cagayan.
Samantala, umabot naman sa mahigit P995 milyon ang pinsala sa imprastraktura, agrikultura at mga ari-arian.
Umakyat naman sa 156,280 na katao ang naapektuhan ng kalamidad kung saan nasa mahigit 90,000 ang nasa loob pa rin ng mga evacuation centers mula sa 14 na lalawigan ng Regions 1, 2, 3, 5, 6 at CAR.
Habang 11 tulay at 33 lansangan ang nanatiling sarado sa mga motorista sa Region 1, 2 at CAR dahil sa landslides at baha, bagamat patuloy ang clearing operations ng DPWH.
Iniulat ng Pagasa na pito hanggang sa walong bagyo pa ang inaasahan bago matapos ang taon.
Patuloy din ang paalala ng pamunuan ng NDRRMC na maging laging handa laban sa kalamidad upang maiwasan ang matinding epekto nito.
link: [You must be registered and logged in to see this link.]