CAUAYAN CITY, Isabela – Apat na logging companies sa Region 2 ang ipatitigil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang operasyon dahil sa total log ban na ipinag-utos ni Pangulong Benigno Aquino III.
Sususpindihin ng DENR Region 2 ang lahat ng integrated forest management agreement at timber logging agreement na inisyu noon sa mga logging firms at mga individual na pinahintulutan na mamutol ng mga punongkahoy.
Sa Region 2 ay apat na logging companies ang hindi na papayagang mamutol ng mga punongkahoy sa San Mariano, Jones, San Guillermo at Echague, Isabela.
Bibigyan ng proyektong pangkabuhayan ang mga bogador sa San Gulliemo at San Mariano, Isabela na mawawalan ng trabaho.
Tataniman din ng mga kape ang 200,000 hectares na lupain sa ibaba ng Sierra Madre mountains.
Isinailalim na rin sa workshop ang mga tauhan na DENR na magpapatupad sa total log ban.
Kaugnay nito, paiigtingin din ng DENR ang inter-district at regional checkpoint para walang makalusot na hot logs palabas ng rehiyon.