NAGA CITY - Dumulog sa Bombo Radyo Naga
ang isang ginang upang ireklamo ang ginawang panghahalay diumano ng
isang 15-anyos sa kanyang siyam na taong gulang pa lamang na anak.
Ayon sa ginang na itinago sa pangalang
Maria na taga Sipocot, Camarines Sur, gabi ng Hunyo 24 nang maganap ang
panghahalay sa kanyang anak.
Nakipanood umano ng TV ang kanyang anak at nakipaglaro pa sa bahay ng suspect.
Subalit sapilitang dinala ito sa barangay plaza kung saan doon ginawa ang panghahalay.
Hindi raw magawang makasigaw ng bata dahil tinakpan ang bibig nito.
Kinaumagahan pa nadiskubre ni Maria ang
insidente matapos na mapansin niya na mugtong mugto ang mata ng bata na
nagsalaysay ng mga pangyayari.
Ipinakita rin nito sa ina ang damit pang-ibaba na punong puno ng dugo.
Base sa resulta sa medico legal examination, nagkaroon ng hymenal laceration at hematoma ang bata.
Dahil sa kahirapan at kawalan ng
kaalaman sa dapat niyang gawin, minabuting dumulog sa himpilan si Maria
upang mabigyan ng hustisya ang kanyang anak.
[You must be registered and logged in to see this link.]