CEBU CITY - Ipinapatawag ngayon ang mga
magulang ng 15-anyos na estudyante matapos itong manutok ng baril sa
kanyang guro at kaklase sa isang pampublikong paaralan sa bayan ng
Alegria, lalawigan ng Cebu.
Nag-iiyak pa umano sa sobrang takot ang
guro habang namutla naman ang kanyang mga kaklase matapos tutukan ng
baril ng kanyang estudyante na itinago sa pangalang Edwin, Grade 5
pupil, na residente ng Sitio Amonsaw, Brgy. Katuluhan, lungsod ng
Dalaguete.
Sinasabing nagbanta pa umano ang binatilyo na papatayin ang kahit na sinong magsusumbong sa kanilang principal.
Ayon kay S/Insp. Daniel Comision, hepe
ng Alegria Police Station, tumawag umano sa kanilang tanggapan ang
barangay kapitan na si Justin Lebron upang ipaalam ang pangyayari.
Dali namang rumisponde ang mga pulis at nahuli si Edwin na umamin naman sa nasabing insidente.
Swerte raw ang 13-anyos na kaklase matapos na hindi pumutok ang baril nang kalabitin ni Edwin ang gatilyo.
Napag-alaman din na kadalasan ay lasing umano ang nasabing estudyante na pumapasok sa kanyang klase.
Nabahala naman ang principal ng nasabing paaralan na baka matakot umano ang iba pang mag-aaral na pumasok sa kanilang klase.
Patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung saan nakuha ni Edwin ang kanyang dala dalang baril.
[You must be registered and logged in to see this link.]