gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    DUGO NG PAMILYA UMAGOS SA HOLDAP

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    DUGO NG PAMILYA UMAGOS SA HOLDAP Empty DUGO NG PAMILYA UMAGOS SA HOLDAP

    Post by jezz_wazz Fri Mar 11, 2011 1:23 pm

    Naglalakad pauwi ang isang mag-asawa kasama ang kanilang dalagitang anak nang harangin at holdapin ng nag-iisang lalaki subalit pumalag at nanlaban ang mag-anak dahilan para pagsasaksakin sila ng suspek kamakalawa ng gabi sa Rodriguez, Rizal.

    Ayon sa report ng tanggapan ni Supt. Rommel Estolano, hepe ng Rodriguez Police Station, kinilala ang mag-asawa na sina Narito Baclayo Sr., 47 at Dolores, 38, at ang kanilang anak na si Sharmane, 15.

    Samantala, tumakas subalit naaresto rin sa follow-up operation ng mga pulis ang suspek na nakilalang si Eleno Escutoto, 23, binata at napag-alaman na kalugar lamang ng pamilya Baclayo.

    Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Geraldo Justo, nangyari ang insidente dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi habang nag*lalakad ang mag-asawa at dalagitang anak pauwi sa kanilang bahay sa NTA Village, Brgy. San Jose, Rodriguez.

    Bigla na lamang sila hinarang ni Escutoto at tinutukan ng patalim ang dalagita sabay deklara ng hol*dap at inagaw ang hawak na cellphone ng biktima bago kinadyot ng saksak sa tagiliran ang anak ng mag-asawa.

    Kumilos agad ang ina at isinalya ang suspek suba*lit siya naman ang sinaksak sa kaliwang bahagi ng katawan.

    Hinablot naman ng tatay ang hawak na patalim ng suspek subalit sinaksak din siya sa tiyan ni Escutoto.

    Kahit may tama sa tiyan ang tatay ay nagawa pa rin nitong makipagbuno sa suspek hanggang sa maagaw ang patalim at nasaksak din si Escutoto na inabot sa kaliwang bahagi ng katawan.

    Kahit sugatan naga*wan*g tumakbo ng suspek palayo sa lugar subalit nahuli rin siya nang rumesponde ang mga pulis matapos matanggap ang impormasyon hinggil sa insidente.


    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 6:27 pm