Bagamat labis ang pagkakadismaya sa naging kapasyahan ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, bukas pa rin ang pintuan ng pamilya Marcos sakaling magbago ang kaisipan ng administrasyon kaugnay ng pagtanggi na mabigyan ng state funeral si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ayon sa anak na si Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., nakahanda sila sa anumang negosasyon mabigyan lamang ng parangal ang paglilibing sa kanilang ama.
"Hindi kami ang nagsasara ng mga pintuan tungkol sa mga bagay na ito. We have never close the door, we have always been open to discussion, we have been open to negotiations. But unless there are two parties who are open to negotiation, open to discussion then there is no point- it is a futile exercise," ayon kay Marcos.
Kahapon ay hindi naiwasan ni Marcos na maglabas ng kanyang galit sa naging kapasyahan ni Aquino sa pagsasabing mahirap kausapin ang taong walang salita.
Sinayang umano ng Malacañang ang pagkakataon na maisulong ang pagkakaisa sa bansa.
"Ang salita nya noong kampanya ay para makakuha lang pala ng ng boto. Hindi pala siya tapat sa kanyang sinabi at hindi siya tapat sa kanyang sinabi nang siya ay maupo. Hindi siya tapat sa kanyang sinabi tungkol sa pag-study niya na inutusan pa niya si Vice President. Kaya ang salitang napunta sa isip ko kaagad nang mabalitaan ko ang lahat ng ito ay sarsuela lang pala ang lahat ng ito," dagdag pa ng senador.
Bilang isang pinuno ng bansa, taliwas umano ang naging kapasyahan ni Aquino na dapat sana'y isulong ang pagkakaisa sa halip pinairal niya ang pulitika.
"Clearly the thing to do for a leader is to unify our country and to continue this division and to widen those division is not the act of a leader, not the act of a head of state, is not the act of somebody who is trying to bring the country together. It is the act of somebody to promote the divisiveness of partisan politics," hinaing pa ng senador.
Naintindihan naman ni Senate President Juan Ponce Enrile ang naging kapasyahan ng pangulo lalo't nagkataon na ama nito ang naging biktima ng krimen sa ilalim ng Marcos administration.
"Well, you have to understand that that's a very sensitive issue as far as the two families are concerned and I would understand the feelings of the President. He is the son of the man who was slain and I think we have to understand him and respect his feelings," ayon kay Enrile.
[You must be registered and logged in to see this link.]