gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Halos 3,000 pamilya nasunugan ng bahay sa Guadalupe

    HYPERTEK
    HYPERTEK
    Site Owner
    Site Owner


    Location : Banga Town
    Posts : 3948

    Character sheet
    INCSA:

    Halos 3,000 pamilya nasunugan ng bahay sa Guadalupe Empty Halos 3,000 pamilya nasunugan ng bahay sa Guadalupe

    Post by HYPERTEK Wed Apr 20, 2011 7:29 pm

    Halos lahat sa 900 bahay dito sa Laperal Compound ay natupok ng sunog na sumiklab bandang tanghali.

    Nagdulot din ito ng matinding trapiko sa kahabaan ng EDSA dahil sa pagresponde ng dose-dosenang truck ng bumbero.

    Nagmistulang dagat ng apoy ang Laperal Compound sa Guadalupe, Makati nang sumiklab ang sunog kanina.

    Ilang pagsabog din ang narinig mula sa mga tangke ng LPG na naiwan sa loob ng mga bahay.

    Sa tindi ng init, nalusaw pati mga billboard na nakahilera sa kahabaan ng EDSA.

    Wala pang 20 minuto mula nang magsimula ang sunog, nagdeklara na ng general alarm ang Bureau of Fire Protection. Ibig sabihin, tinawagan na ang lahat ng mga bumbero sa Metro Manila para tumulong sa pag-apula ng apoy.

    Ilang minutong isinara ang southbound lane ng EDSA dahil ginawa itong paradahan ng dose-dosenang truck ng bumbero.

    Unti-unti namang gumapang ang apoy sa mga bahay at ang makapal na usok sa himpapawid.

    Paroo’t parito ang mga residente para isalba ang kanilang mga gamit.

    Ang mga lalaking ito, sinasalok maging ang tubig-baha para kontrolin ang apoy sa kanilang mga bahay.

    Ang iba, natulala na lamang.

    Si Nanay Marilyn, wala nang nagawa kundi panooring nasusunog ang kanyang bahay. Kalung-kalong niya ang imahe ng Santo Niño.

    “Ito na lang po ang nadampot ko kasi mainit na po sa loob. Pinalabas na po ako ng mama ko. Hindi ko ho alam [kung ligtas ang mga kasama ko sa bahay],” sabi ni Marilyn.

    Inabot ng tatlong oras bago tuluyang naapula ng mga bumbero ang sunog.

    Lumalabas na napabayaang rice cooker at personal computer ang pinagmulan ng apoy.

    “Ang mga bahay na ito ay gawa lang sa mga light materials. Highly combustible ang mga bahay,” paliwanag ni BFP Regional Director General Santiago Laguna.

    Bukod sa dalawang bahagyang nasugatan, walang naiulat na nasawi sa insidente.

    Libu-Libong pamilya ngayon ang titira sa iba’t ibang evacuation centers malapit sa lugar.

    Mayroong isa sa likod ng barangay, sa simbahan ng Guadalupe at sa San Carlos Seminary.

    Samantala, mabagal pa rin ang daloy ng trapiko sa southbound lane ng EDSA-Guadalupe pero unti-unti na itong bumabalik sa normal. Atom Araullo, Patrol ng Pilipino

    [You must be registered and logged in to see this link.]


    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 9:06 pm