Kinaiinipan na ni Vice President Jejomar Binay at iba pang sector ang
mabagal na pagbibigay ng hustisya sa naganap na 2009 Maguindanao
massacre.
Nakiisa si Binay sa panawagan ng paghingi ng hustisya na
dalawang taon na ang nakakalipas para sa 57 biktima ng nasabing
karumal-dumal na massacre na ang itinuturong utak ay ang mga Ampatuan.
“We must send the message that we, Filipinos, have had
enough of the culture of impunity that has beset our country for so
long,” ani Binay.
Maging si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at ang
Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay nagpahayag rin
ng pagkainip sa pagbibigay ng hustisya sa Maguindanao massacre.
Ayon kay Marcos, mabagal raw ang kasalukuyang
administrasyon sa pagbibigay ng hustisya sa pamilya ng mga biktima na
kung tutuusin umano ay kaya naman ng gobyerno na madaliin ang paglilitis
tulad sa kanilang ginawa sa kaso ni dating Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo.
“Nakakapagtaka nga kung bakit hanggang ngayon, parang ang
bagal-bagal ng galaw ng kaso sa Maguindanao massacre,” reaksyon ni
Marcos.
Kung tutuusin daw ay kaya ng gobyerno na madaliin ng
paglilitis sa kaso subalit hindi raw ito ginagawa ng gobyerno.
“Kung gugustuhin ng gobyerno, may paraan naman na gawing
mabilis ito,” sabi pa ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Local
Government.
Naniniwala naman si Fr. Edu Gariguez, executive secretary
ng CBCP-National Secretariat for Social Action-Justice and Peace
(CBCPNSA), na uhaw na uhaw na sa hustisya ang mga naulilang mahal sa
buhay ng mga biktima.
“Kapag hindi natugunan ni PNoy ang kaso ng Maguindanao
massacre, ito ay magiging kahiya-hiya rin sa kanya,” ani Gariguez.
Ipinagharap ng kasong sibil si dating Pangulo at
kasalukuyang Pampanga Cong. Gloria Macapagal-Arroyo ng mga na-ulila ng
57-katao na biktima ng 2009 Maguindanao massacre.
Sinabi kahapon ni Atty. Harry Roque, abogado ng ilan sa
mga kapamilya ng mga biktima, na kasong sibil na tinatawag na “aiding
and attempting” ang kanilang isinampa laban kay Gng. Arroyo sa sala
ni Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Reyes-Solis ng Branch
221.
Aniya, isa si Gng. Arroyo sa mga taong dapat managot sa
krimen dahil sa siya umano ang nagbigay ng baril, pera, at impluwensya
sa mga Ampatuan kaya’t naisagawa ng mga ito ang masaker.
Ayon pa kay Roque, hihingan nila ng danyos ng halagang P58
milyon si Gng. Arroyo bilang kabayaran sa mga naulila ng mga biktima.
[You must be registered and logged in to see this link.]