gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Malacañang, nakialam na rin sa child abuse case vs Willie Revillame

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Malacañang, nakialam na rin sa child abuse case vs Willie Revillame  Empty Malacañang, nakialam na rin sa child abuse case vs Willie Revillame

    Post by jezz_wazz Tue Mar 29, 2011 4:52 pm

    Pumasok na rin ang Office of the
    President sa pinakabagong kasong kinasasangkutan ng kontrobersyal na TV
    host na si Willie Revillame.

    Nag-ugat ang reklamo sa March 12, 2011
    episode ng programang "Willing Willie" na na-ere sa TV 5 kung saan
    pinasayaw ng host ang isang 6-anyos na batang lalaki at nagmistula itong
    "macho dancer."

    Batay sa press release ng Presidential
    Communications Operations Office (PCOO), iniakyat na ng Movie and
    Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Hearing and
    Adjudication Committee ang nasabing child abuse case.

    Sinabi ni MTRCB Chairperson Grace
    Poe-Llamanzares, ang bagong kasong kinakaharap ni Revillame ay pasok sa
    kanilang tungkulin na protektahan ang karapatan ng mga kabataan mula sa
    anumang pang-aabuso, karahasan, exploitation o anumang kondisyong
    makakaapekto sa kanilang paglaki.

    Ipinaalala ni Llamanzares sa mga networks na nag-eempleyo ng mga bata na tiyaking napoproteksyunan ang kanilang mga karapatan.

    "The Board further emphasizes that
    whenever children are featured in television programs, producers are
    mandated to observe legal standards stipulated in R.A. 7610 to avoide
    "psychological abuse, cruelty, sexual abuse and emotional maltreatment"
    and "any act by deeds and words which debases, degrades or demeans the
    intrinsic worth and dignity of the child," ani Llamanzares.




    orig. link:
    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 9:03 pm