“Hayop siya, parang kapatid na niya ang asawa ko dahil asawa siya ng kapatid ko, inaswang pa niya si misis, dapat lamang talaga siyang mamatay”.
Nanginginig sa sobrang galit na sinabi ito ni Edwin Mantala Almonte, 34, kay SPO2 Isagani Gonzales kung bakit niya tinaga ang kanyang bayaw na kinilalang si Jose Opeda y Casilangan, 39-anyos at taga-Makati City.
Sa ulat mula sa tanggapan ni Sr. Inspector Margarito Umali, hepe ng pulisya sa Catanauan, Quezon, alas-nuwebe ng gabi noong Lunes, galing sa trabaho si Mantala at dahil sa kapaguran ay akmang hihiga na lang sa sala ng kanilang bahay na matatagpuan sa Sitio Gipa, Brgy. Canculajao, Catanauan.
Subalit biglang nakarinig umano si Mantala ng umuungol mula sa loob ng kanilang kwarto kaya’t pumasok siya at doon nakita si Opeda na walang saplot na nakakubabaw sa umano’y tulog na tulog na asawa ni Mantala.
Agad umakyat ang dugo sa ulo ni Mantala at hinugot ang nakasukbit pang itak sa kanyang bewang saka tinaga ang bayaw na si Opeda.
Nakatakbo pa umano ang biktima kaya hinabol ni Mantala hanggang sa maabutan at tuluyang napatay noon din.
Matapos ang insidente ay sumuko naman agad sa pulisya si Mantala kung saan sinabi nito na hindi umano niya pinagsisisihan ang ginawa sa tinawag nitong “manyakis na bayaw”.
[You must be registered and logged in to see this link.]