Madaling-araw na umuwi ang isang mister galing sa trabaho at para hindi makaistorbo ay dahan-dahang pumasok sa kanilang bahay subalit ipinagtaka nito ang mga halinghing na narinig buhat sa kuwarto nilang mag-asawa kaya agad na pinuntahan at doon tumambad sa kanyang harapan ang misis na umano’y katalik ang kanyang kasamahan sa trabaho kamakailan sa Jose Panganiban, Camarines Sur.
Nagdilim ang isipan ng suspek na nakilalang si Allan Soleyban, kung kaya’t agad itong kumuha ng itak habang tinangka namang tumalon sa bintana ng biktimang si Efren Bernardino, 32, upang tumakas subalit hindi rin ito nakaligtas matapos abutin at ilang beses na pinagtataga hanggang mamatay.
Napag-alaman na magkasama sa trabaho ang suspek at ang biktima na parehong minero sa isang mining company.
Nagtamo ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Bernardino samantalang kusang loob namang sumuko sa rumespondeng kagawad ng pulisya si Soleyban.
Base sa ulat na nakarating sa Police Regional Office 5 sa Camp Simeon Ola kahapon, naganap ang insidente pasado alas-dos ng madaling-araw nitong Huwebes nang umuwi ang suspek sa kanilang bahay sa Barangay San Rafael sa bayan ng Jose Panganiban, galing sa kanyang trabaho.
Upang hindi makaistorbo ay dahan-dahang pumasok si Soleyban sa kanilang bahay subalit nakarinig ito ng mga halinghing mula sa kuwarto nilang mag-asawa kaya agad nitong pinuntahan.
Laking gimbal umano ni Soleyban nang tumambad sa kanyang harapan ang asawa at si Bernardino na umano’y nagtatalik.
Samantala, dahil sa nasabing kaguluhan ay nagising ang mga kapitbahay ng pamilya Soleyban na siyang tumawag sa pulisya na agad namang rumesponde sa lugar.
Hindi naman nanlaban ang suspek at kusang loob itong sumuko sa pulisya kasama ang duguang itak na ginamit sa pananaga sa kanyang kasamahan sa trabaho.
[You must be registered and logged in to see this link.]