Naghihinakit ang anak sa Australia ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, matapos itong sinibak sa isang reality show nang malamang siya ang ama.
Ayon kay Analisa Josefa Hegyesi, nagsakripisyo siya para sa audition ng "The Renovators" nang imbitahan siya.
Sa mahabang proseso ng interviews, nakapasa siya sa sikat na home makeover reality show ngunit dahil aniya sa personal na bagay ay tinanggal siya.
Natatakot daw ang show na baka sa kaniya lang matutok ang atensyon ng publiko kung malamang anak siya ng dating diktador ng Pilipinas.
Si Analisa ay anak ni Marcos kay Evelin Hegyesi, dating Sydney Swimwear at Playboy model.
Sinasabing 19-anyos pa lang ang modelo nang makarelasyon si Marcos.
Sa katunayan, ang pangalang Josefa ay galing umano sa ina ni Marcos na si Josefa Edralin-Marcos.
Napag-alaman na sa kasagsagan ng imbestigasyon sa yaman ni Marcos noong 2004, nadawit din ang mag-inang Evelin at Analisa na umano'y may kinalaman sa bank accounts ng dating Pangulo sa ibang bansa.
Si Marcos ay napatalsik sa Malacañang matapos ang 20 taong pamumuno dahil sa people power revolution.
link:https://gsmilocos.forumtl.com/post?f=51&mode=newtopic