Patay ang 10 construction workers matapos mag-collapse ang scaffolding
sa ginagawang 40-storey building sa corner ng Paseo De Roxas at Gallardo
Street, Makati City kani-kanina lamang.
Ito ang kinumpirma ni Makati Mayor Junjun Binay na kaagad sumugod sa
kino-construct na Eton Tower, na pag-aari ng negosyanteng si Lucio Tan.
Ayon naman kay Makati City Police Office head C/Supt. Froilan Bonifacio,
nangyari ang aksidente sa under construction pang gusali na isang
residential condominium sa nasabing lungsod.
Bumagsak ang scaffolding na siyang nagsisilbing makeshift elevator mula
sa ika-32 na palapag patungo sa ika-pitong palapag ng gusali.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang
aksidente dahil sa mga ulat na mayroon pang mga nadaganan ng bumagsak na
scaffolding.
Ilan sa mga biktima ay naisugod na rin sa pagamutan.
Anim sa mga isinugod sa Ospital ng Makati ay patay na habang may apat pang sugatan na isinugod din sa nasabing bahay pagamutan.
Kabilang sa mga dinala sa Ospital ng Makati ay sina Rowel Perez, 23,
Sapang Palay; Joel Alecilla; Celso Mabuting, Michael Tatlonghari ng
Antipolo; Vincent Biñon Jr. Romel Perez; Kevin Mabunga; Jay-R Logada at
Jeffry Diocado.
Sa inisyal na impormasyon, inihayag ni Mayor Binay na nagmamadali ang
mga biktima na bumaba ng scaffolding dahil breaktime at manananghalian
ang mga ito.
link: [You must be registered and logged in to see this link.]