gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Lindol sa Japan, aabot sa 10,000 ang patay

    lance77
    lance77
    Registered Member


    Location : Laoag Ilocos Norte/Pangasinan
    Posts : 431

    Lindol sa Japan, aabot sa 10,000 ang patay  Empty Lindol sa Japan, aabot sa 10,000 ang patay

    Post by lance77 Mon Mar 14, 2011 8:41 am

    Japan quakeJapan quakeTAGAJO, Japan – Posible pa umanong umabot sa mahigit 10,000 katao ang patay sa magnitude 9.0 na lindol na tumama sa Japan.

    Ayon sa mga police official, ito ay dahil sa milyun-milyon sa mga survivors ay nakakaranas na ng kakulangan sa pagkain, maging ng inumin at elektrisidad.

    At bagama't dinoble na ng gobyerno sa 100,000 ang bilang ng mga sundalong kanilang idineploy, triple naman umano ang nararanasang kalamidad.

    "The police chief of Miyagi prefecture, or state, told a gathering of disaster relief officials that his estimate for deaths was more than 10,000," ani police spokesman Go Sugawara.

    Napag-alaman na ang Miyagi ay mayroong 2.3 million na populasyon.

    Kuwento ng isa sa mga nakaligtas, panibago nitong poproblemahin ngayon ay kung paano malalampasan ang radiation mula sa sumabog na nuclear plant sa Japan.

    "First I was worried about the quake, now I'm worried about radiation. I live near the plants, so I came here to find out if I'm OK. I tested negative, but I don't know what to do next," pahayag ni Kenji Koshiba na isang construction worker.

    Sa ngayon batay sa record ng mga opisyal, tinatayang 1,200 buhay na ang kasamang nilamon ng lindol at tsunami habang halos 800 ang nawawala. (AP)



    link:http://www.bomboradyo.com/index.php/news/top-stories/44166-lindol-sa-japan-aabot-sa-10000-ang-patay

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 10:32 pm