TRIPOLI, Libya - Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa Libya bunsod ng magdamag na sagupaan ng oposisyon at puwersa ni Libyan leader Moammar Gadhafi.
Naglunsad ng operasyon ang puwersa ni Gadhafi sa lungsod ng Misrata na kontrolado na ng oposisyon.
Gamit ang mga machine guns, stick at kung ano pa, nagtagumpay ang oposisyon na maprotektahan ang courthouse na siyang operarion center ng oposisyon sa Misrata.
Umaabot sa 42 ang patay sa naturang sagupaan habang 85 ang sugatan.
Ang humanitarian aid na ipinadala ng United Nations sa Misrata ay hinarang ng puwersa ni Gadhafi.
Samantala, nagkaroon din ng sagupaan sa bayan ng Bin Jawad na binomba ng Gadhafi forces.
Anim ang patay sa nasabing engkuwentro habang 80 ang sugatan kabilang na ang isang French journalist.
Ngunit sa Tripoli na kabisera ng Libya, patuloy ang demonstrasyon sa Green Square ng mga tagasuporta ni Gadhafi.
Ngunit sa report ng Libyan state TV, naagaw na umano ng puwersa ni Gadhafi ang Las Ranuf na isang oil facility, Zawiyah at ang lungsod ng Tobruk.
Ayon pa sa state TV, binigyan na ni Gadhafi ng order ang puwersa nito na huwag pasukin ang mga lugar na kontrolado ng oposisyon dahil ginagawa umanong human shield ang mga sibilyan. (CNN)
[You must be registered and logged in to see this link.]