Tuluyan nang nakalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Mina.
Sa inilabas na weather bulletin ng Pagasa, ang bagyo ay nasa layong 380 kilometro hilagang kanluran ng Basco, Batanes.
Bagamat wala ng nakataas na public storm
signal sa bansa, taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na umaabot sa
95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 120
kilometers per hour (kph).
Kumikilos ito sa direksiyong pahilagang kanluran sa bilis na pitong kilometro kada oras.
Tinatayang ang bagyo ay nasa layong 370 kilometers west of Taipei, Taiwan sa Martes ng gabi.
Una rito, lalo pang lomobo ang bilang ng mga nasawi at nawawala dahil sa epekto ng bagyong Mina sa Pilipinas.
Batay sa ulat ni Usec. Benito Ramos, ang
executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management
Council (NDRRMC), umabot na sa 22 ang bilang ng mga nasawi.
Lomobo naman sa 12 ang bilang ng mga nawawala habang 23 ang nasugatan.
Karamihan sa mga biktima ay mula sa
Region 1 at Cordillera Administrative Region (CAR) habang walang
naitalang casualty sa lugar na mismong tinamaan ng mata ng bagyo
partikular sa lalawigan ng Cagayan.
Samantala, umabot naman sa mahigit P1.1 bilyon ang pinsala sa imprastraktura, agrikultura at mga ari-arian.
Umakyat naman sa 156,280 na katao ang
naapektuhan ng kalamidad kung saan nasa mahigit 90,000 ang nasa loob pa
rin ng mga evacuation centers mula sa 14 na lalawigan ng Regions 1, 2,
3, 5, 6 at CAR.
Iniulat naman ng Pagasa na pito hanggang sa walong bagyo pa ang inaasahan bago matapos ang taon.
Patuloy din ang paalala ng pamunuan ng
NDRRMC na maging laging handa laban sa kalamidad upang maiwasan ang
matinding epekto nito.
[You must be registered and logged in to see this link.]