gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


2 posters

    Tips sa hika o asthma

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Tips sa hika o asthma  Empty Tips sa hika o asthma

    Post by jezz_wazz Thu Feb 02, 2012 4:47 pm

    HETO ang mga kaalamang natutunan ko tungkol sa hika o asthma. Puwede ninyo itong subukan.

    1. Damihan ang sibuyas at bawang sa inyong pagkain. Ang mga ito ay may quercetin at mustard oil na pangontra sa enzyme na nagpapasimula ng hika.

    2. Ang pagkain ng maaanghang, tulad ng sili, ay nagpapaluwag sa
    daanan ng hangin sa baga. Ito ay may capsaicin na “mukokinetic” na
    nagpapaluwag ng plema sa baga.

    3. Kapag inaatake ng hika, subukan uminom ng ma­tapang na kape –
    black coffee. Ang caffeine ay parang gamot­ na theophylline na nagbubuka
    ng mga tubo sa baga.

    4. Kumain ng mga isda na mataas sa omega-3 fatty acids, tulad ng
    sardinas, tunsoy, tamban, alumahan, hasa-hasa, tuna at tanigui para
    makaiwas sa hika.

    5. Uminom ng Vitamin[You must be registered and logged in to see this link.] C tablet hanggang 1,000 mg kada araw o uminom ng calamansi juice.

    6. Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses bawat linggo. Subukang
    mag-baras at palakasin ang mga braso, dibdib at likod para lumakas ang
    iyong paghinga.

    Iwasan ang mga ito:

    1. Ang softdrinks ay nakakapagsimula ng hika, lalo na sa mga bata.

    2. Ang vetsin ay masama sa may hika. Mas maraming vetsin, mas malala ang atake.

    3. Alamin ang allergy at iwasan ito. Sa Pinoy, kadalasan ito ay
    pagkaing dagat tulad ng pusit, hipon, alimango, at mga mani, itlog at
    manok. Ingat din sa mga gamot tulad ng pain relievers at aspirin.

    4. Huwag kumain ng pagkaing nagpapakabag tulad ng beans, kasi lolobo at magkakaroon ng hangin sa tiyan. Baka mahirapang huminga.

    5. Iwas sa polusyon sa hangin. Ayon sa isang pagsusuri ni Dr. Gerard
    Hoek ng Netherlands, ang mga taong nakatira sa tabi ng mga highways o
    yung mga exposed sa polusyon ay mas maagang namamatay kumpara sa taong
    malinis ang nalalanghap na hangin. Umiwas sa maruru­ming hangin at
    lugar. Puwedeng magsuot ng mask para mabawasan ang usok. Good luck po.


    [You must be registered and logged in to see this link.]
    HYPERTEK
    HYPERTEK
    Site Owner
    Site Owner


    Location : Banga Town
    Posts : 3948

    Character sheet
    INCSA:

    Tips sa hika o asthma  Empty Re: Tips sa hika o asthma

    Post by HYPERTEK Sat Feb 04, 2012 12:17 pm

    nice tips boss jezz

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 10:48 pm