gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Simpleng tips sa pagtulog

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Simpleng tips sa pagtulog  Empty Simpleng tips sa pagtulog

    Post by jezz_wazz Thu Feb 09, 2012 12:12 pm

    MAHALAGA ang tulog sa ating katawan. Ang mga kabataan
    ay natutulog ng 8 hanggang 10 oras bawat gabi. Ngunit pag-abot natin ng
    edad 50 pataas ay mababawasan na ang tulog sa 6-7 oras bawat gabi. Ang
    mga edad 70 pataas ay minsan 4-5 oras lang kung matulog sa gabi.

    Heto ang mga tips para sa mga hirap makatulog:

    Matulog ng parehong oras bawat gabi. Humiga sa kama ng may takdang oras, tulad ng alas 9 ng gabi.

    Huwag mag-siesta. Kapag natulog ka sa hapon, hindi ka na aantukin sa gabi.

    Mag-ehersisyo sa umaga o hapon. Kapag pagod ang ating katawan, mas madali makatulog sa gabi.

    Huwag uminom ng kape o iced tea sa hapon o gabi. Ang mga ito ay may caffeine na nagpapagising sa atin.

    Makinig ng konting musika. Mag-relax. Puwede rin magpamasahe at maligo ng maligamgam na tubig.

    Huwag gamitin ang alak na pampatulog. Ang problema sa alak ay mapapaaga rin ang gising mo sa umaga. At saka may hang-over ka pa.

    May mga vitamins at supplements [You must be registered and logged in to see this link.] na puwede n’yong subukan. Uminom ng Vitamin B complex. Nakapagpapagana ito sa pagkain at may tulong din sa pagtulog.

    Subukan ang Melatonin Supplements. Ayon kay Dr. Rebecca Castillo, ang
    melatonin ay nakatutulong sa pagtulog at nagpapalakas na ating immune system. [You must be registered and logged in to see this link.]

    Kapag hindi epektibo ang Vitamin B complex o Melatonin para sa iyo,
    puwede magpareseta ng sleeping pills. Ngunit dapat ay paminsan-minsan
    lang ang pag-inom ng sleeping pills dahil nakakasanay ito.

    Kapag hindi talaga makatulog, humiga na lang sa kama. Kahit gising
    ka ay okay lang dahil nakakapahinga naman ang iyong katawan. Kapag
    humiga ka ng 2 oras, para ka na rin nakatulog ng 1 oras.

    11. Ayon kay Pastor Nor­man Vincent Peale, kapag hindi siya
    makatulog ay pinagdarasal niya ang lahat ng kanyang kaibigan.
    Nagpapasalamat din siya sa mga biyayang natanggap sa buhay. Puwede natin
    siya tularan.

    12. At siyempre, huwag kalimutan magdasal sa Diyos.
    Ipasa n’yo ang lahat ng problema sa Kanya. Ang Diyos na ang bahala rito.
    Sa ganitong paraan, magiging mahim-bing ang iyong pagtulog.

    Good luck po!


    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Sat Nov 16, 2024 12:34 am