gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Tips para maging mahimbing ang tulog

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Tips para maging mahimbing ang tulog  Empty Tips para maging mahimbing ang tulog

    Post by jezz_wazz Sat Dec 10, 2011 6:16 pm

    MAHIRAP ang hindi makatulog. Ang bawat tao ay kailangan ng 6 hanggang
    8 oras ng tulog. Ito ang mga payo ng mga eksperto para makatulog:

    1. Magkaroon ng regular na oras ng pagtulog.

    2. Kumain ng masustansya at tama.

    3. Magkaroon ng regular na ehersisyo.

    4. Umiwas sa pag-inom ng kape.

    5. Umiwas din sa pag-inom ng alak.

    6. Umiwas sa paninigarilyo.

    Maliban sa mga payong ito, mayroon pa akong karagdagang tips para maging mahimbing ang iyong tulog:

    7. Subukan ang Melatonin. Ayon kay Dra. Rebecca Castillo, ang melatonin ay nakatutulong sa pagtulog at nagpapalakas ng ating immune system.

    8. Uminom ng Vitamin B Complex. Pampagana ito ng pagkain at makatutulong din sa pagtulog.

    9. Huwag masanay sa sleeping pills. Puwedeng uminom ng
    sleeping pills paminsan-minsan. Huwag itong araw-arawin dahil mawawalan
    ito ng bisa. Mas safe ang Melatonin inumin araw-araw.

    10. Pagurin ang iyong katawan. Ayon sa Bibliya, masarap
    ang tulog ng manggagawa. Ito’y dahil pagod ang katawan ng isang
    nagtratrabaho.

    11. Huwag umidlip sa hapon. Umiwas sa siesta at pagtulog
    sa araw. Dahil kapag nakatulog ka na sa araw ay hindi ka na aantukin sa
    gabi. Ipunin mo na lang ang iyong tulog sa gabi.

    12. Mag-meditate, mag-relax o makinig sa musika. Magpamasahe at maligo ng maligamgam na tubig. Masarap diba?

    13. May tulong ang sex sa gabi. Ayon sa pagsusuri,
    nakatatanggal ng stress ang pagtatalik. Nagiging mahimbing din ang
    pag-tulog. Walang malisya po!

    14. Kung hindi talaga makatulog ay humiga na lang sa kama at mag-relax. Kahit hindi ka makatulog ay mare-relax naman ang iyong katawan.

    15. Mag-isip ng hindi importanteng bagay para mali­bang ang isipan. Maya-maya ay aantukin ka na.

    16. Magdasal. Ipasa mo ang iyong iniisip sa Diyos. Siya na ang bahala lumutas nito.

    Magdasal ng ganito: “Diyos ko, naging maganda ang araw
    natin ngayon. May mga problema ako pero alam kong hindi mo ako
    pababayaan. Matutulog na ako at ipapakiusap ko na bantayan mo ang
    aking mga mahal sa buhay. Ipapasa ko na sa iyo ang lahat ng problema ko.
    At paggising ko bukas, ng malakas at masa­ya, magagawa ko na po ang
    pina­gagawa mo sa akin. Amen.” Good luck po sa iyong pagtulog!

      Current date/time is Sat Nov 16, 2024 2:54 am