DAGUPAN CITY - Natagpuang patay ang secretarya ng isang klinika sa mismong banyo ng kanilang tanggapan sa bayan ng Lingayen lalawigan ng Pangasinan.
Ang biktima ay nakilalang si Maria Olanday, 21-anyos, dalaga, secretary ng Honrado de vera Clinic na pag-aari ni Dr. Michael de Vera sa Avenida Rizal St., East Poblacion at residente ng Barangay Tonton sa nabanggit na bayan.
Sa kwento ng ama ng may-ari ng klinika na si Luis Honrado, bandang ala-1:00 ng hapon nang ito ay bibisita sana sa klinika ng anak pero wala itong naabutang tao at puro bakas lamang ng dugo ang nakita at ang magulong mga gamit.
Agad itong tumawag ng mga pulis at puwersahang binuksan ang nakasarang banyo kung saan tumambad sa kanilang mga mata ang duguang katawan ng biktima.
Sinubukan pang itakbo sa pagamutan si Olanday pero idineklarang dead on arrival ng mga manggagamot.
Ang dalawang tama ng saksak sa dibdib ng biktima ang sinasabing naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.
Pagnanakaw ang sinasabing motibo ng mga suspek kung saan nawawalala ang cellphone nito at malamang umano ay dalawa ang may kagagawan ng nasabing krimen.
Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga otoridad at mayroon na rin silang hawak na testigo.
[You must be registered and logged in to see this link.]