VIENNA, Austria - Hindi natitinag ang Iran sa mga usapin ng military attack, kasabay ng kumpirmasyon ng International Atomic Energy Agency na nagdidisenyo na ng nuclear weapons ang nasabing bansa.
Ipinagmayabang pa ng Iran na walang maglalakas loob para atakehin sila.
Ayon kay senior Iranian envoy Ali Asghar Soltanieh, dapat matuto ng leksyon ang mga kaaway ng Iran, kung paano sila lumaban noon nang sinalakay ni Saddam Hussein ang Tehran noong 1980.
Kung mayroon aniyang pang-aatake, gaganti kaagad ang Iran.
Napag-alaman na nitong nakaraang linggo, naging bukas ang Israel sa pagsasabing pinag-uusapan ang posibleng pag-atake sa Tehran dahil isang banta umano ang Islamic Republic bunsod ng nuclear program nito.
Ang Amerika na bagama't sinabing dapat ituloy ang diplomasya sa Iran ay tiniyak na nakalatag ang lahat na opsyon at walang ibinabasura sa posibilidad ng military action.
Si Soltanieh ang kinatawan ng Iran sa International Atomic Energy Agency. (AP)
[You must be registered and logged in to see this link.]