Ang passing rate sa katatapos na 2010 bar examination ang maituturing na pinakamababa sa loob ng walong taong pagsusulit.
Lumalabas kasi na sa passing grade na 72.5 percent, 982 ang pumasa mula sa 4,847 na kumuha ng exams.
Matatandaang noong taong 2002, wala pang 20 porsiyento ng mga kumuha ng bar ang nakapasa.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona ang mga bagong abogado, na isapuso ang pagiging tagapagtanggol ng batas.
Samantala, idinepensa naman ni SC spokesman at Court Administrator Jose Midas Marquez, kung bakit kakaunti ang nag-abang ng resulta ng bar exams. Aniya, hindi umano nila akalain na ilalabas ng mas maaga ang bar at dahil hindi na rin puwede naman umanong tingnan sa internet.
link:http://www.bomboradyo.com/index.php/news/latest-news/44827-passing-rate-sa-2010-bar-exam-pinakamababa-sa-loob-ng-8-taon