ROXAS CITY – Ikinagulat ng mga staff ng
Vice Mayor's Office sa bayan ng Maayon, Capiz ang pagsusuntukan ni Vice
Mayor Wildy Apolinario at Sangguniang Bayan (SB) member Rene Contreras.
Nangyari ang insidente sa loob ng
tanggapan ng bise alkalde, kung saan biglang pumasok si Contreras at
nagkaroon ng komprontasyon ang dalawa sa hindi pagpirma ni Apolinario sa
voucher ng travel order ng nasabing SB member.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas
kay Vice Mayor Wildy Apolinario, sinabi nito na hindi niya inaasahan
ang pagbato sa kanya ng voucher ni Contreras sa pagpasok nito sa kanyang
tanggapan.
Kasunod nito ang paghawak sa kanyang inuupuang silya at pagsuntok sa kanya.
Inamin din ng bise alkalde na gumanti ito ng suntok kay Contreras para madepensahan ang sarili.
Nilinaw nito na hindi niya pinirmahan
ang voucher to travel ng nasabing SB member dahil hindi ito lumapit sa
kanya taliwas sa ginawa ng kasama ni Contreras na si SB member Joel Diaz
na kinausap siya.
Ayon kay Apolinario, may sinusunod
silang protocol sa Sangguniang Bayan sa Maayon tuwing may isang SB
member na magpapapirma ng travel order voucher.
Napag-alaman na nagpadala na ng incident report sa alkalde ng bayan ng Maayon gayundin DILG si Apolinario.
Samantala, aminado naman si SB member Contreras na nadala ito ng kanyang emosyon ng pumasok sa tanggapan ni Apolinario .
Gusto lamang daw niyang kausapin ang
nasabing bise alkalde kung ano pa ang kulang sa isinumiteng voucher to
travel order dahil hindi pa ito napipirmahan.
Nagpahayag ng sama ng loob ang SB member
dahil pinirmahan ni Apolinario ang voucher to travel ni SB member Joel
Diaz na kagaya niya ay hindi naman lumapit sa bise akalde.
Napag-alaman na inimbitahan ng principal
ng Maayon Elementary School si Contreras chairman ng Committee on
Education sa pagpunta sa Bacolod City para sa pagkuha ng napanalunang
award ng eskwelahan sa Brigada Eskwela program.
[You must be registered and logged in to see this link.]