gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    15 na ang anak namin, nangaliwa pa!

    HYPERTEK
    HYPERTEK
    Site Owner
    Site Owner


    Location : Banga Town
    Posts : 3948

    Character sheet
    INCSA:

    15 na ang anak namin, nangaliwa pa! Empty 15 na ang anak namin, nangaliwa pa!

    Post by HYPERTEK Wed Feb 02, 2011 4:12 pm

    “Labinlima na ang anak
    namin, labing-isa ang buhay at limang buwan ang aming bunso. Ewan ko ba
    kung ano pa ang kulang, akala ko hindi na niya magagawa ‘yun, pero
    buking ko siya.”
    Ito ang pahayag ng isang ama na hindi nagsisisi sa ginawang pagtadtad ng
    saksak hanggang sa mapatay ang umano’y kalaguyo ng kanyang misis sa
    Tondo, Maynila kamakalawa.
    “Hindi ako nagsisisi, okay lang kung talagang ganito. Cool-off muna
    kami, bahala na paglaya ko kung babalikan ko pa siya,” sambit pa sa
    TONITE ng nakangiting suspek na si Roel Roquero, 45-anyos, pahinante ng
    1100 Juan Luna St., Tondo ng nasabing lungsod matapos sumuko makaraang
    mapatay si Freddie Adisas, 26-anyos, estibador at residente rin sa lugar
    na inginungusong kalaguyo ng kanyang misis na si Susana.
    Nabatid kay Police Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police
    District-Homicide Section, alas-siyete ng gabi kahapon nang sumuko si
    Roquero kay Barangay Chairman Violeta Candelaria ng Bgy. 8 Zone 1 saka
    ito sinamahan sa Manila Police District Station 2.
    Inamin ni Roquero na matagal na nitong planong patayin si Adisas subalit hindi umano ito makakuha ng tiyempo.
    “Madami na siyang atraso sa akin, una ay binugbog niya ‘yung anak ko.
    Tapos, pinakialaman niya ang asawa ko at nagsisiga-sigaan siya. Akala
    niya natatakot ako sa kanya, kaya nang makakita ako ng tiyempo,
    pinagsasaksak ko na siya,” ayon pa sa suspek.
    Sinabi pa ng suspek na may apat na buwan na niyang napapansin ang
    pagbabago ng kanyang misis. “Minsan ayaw na niya akong sipingan,” giit
    pa ng suspek.
    Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Giovanni Valera ng MPD, naganap ang
    insidente dakong alas-tres ng madaling-araw nang matiyempuhan ng suspek
    ang biktima na natutulog sa ilalim ng truck na nakaparada sa Juan Luna
    St. at agad umano nitong sinugod at inundayan ng sunud-sunod na saksak
    bago umiskiyerda.
    Mabilis namang isinugod ni Ma. Liza Candelaria, barangay tanod, ang
    biktima sa Mary Jhonston Hospital, pero binawian rin ng buhay.






    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 11:19 pm