NAGA CITY - Dead on the spot ang isang dentista matapos na ito'y saksakin ng kanyang pasyente sa mismong clinic nito sa may bahagi ng Gen. Luna St., sa lungsod ng Naga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SPO4 Elmer Pitallano, tagapagsalita ng Naga PNP, sinabi nitong dakong alas 6:30 kagabi nang maganap ang insidente na kumitil sa buhay ng biktimang si Dr. Nerlie Ablan, 30.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinaksak diumano ng salaring si Jervie Felipe Velasco, 18-anyos at residente ng Brgy. San Isidro, Libmanan, Camarines Sur ang biktima dahil sa namahalan ito sa singil ng dentista nang siya'y magpapasta ng kanyang ngipin.
Gayunman, sinabi ni SPO4 Pitallano na hindi kapani-paniwala ang alibi ng salarin dahil sa kwestiyunable diumano ang pagkakaroon nito ng patalim kung ang tanging layunin lamang nito'y ang pagpapalinis o pagpapasta ng ngipin kung kaya't kanila pa ring tinitingnan ang anggulong hold-up sa pangyayari.
Agad namang nahuli ang salarin matapos ang mabilis na pagresponde ng pulisya.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng otoridad upang mabigyang-linaw ang krimen.
[You must be registered and logged in to see this link.]