LAOAG CITY – Magbibigay ng P100,000 bilang pabuya si Dingras Mayor Maryneth Gamboa sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para sa agarang pagkahuli sa mga suspect sa pagbaril patay noong Huwebes Santo kay Sanguniang Bayan Member Randolf Magno Sr.
Naniniwala ni Gamboa na sa pamamagitan ng naturang pabuya ay mapapadali ang pagresolba sa krimen.
Ang pabuya ay galing sa personal na pera ng alkalde.
Maliban sa naturang halaga, bibigyan din ng kaukulang seguridad ang sinumang makapagbibigay ng impormasyon.
Sa ngayon puspusan ang isinasagawang imbestigasyon ng Task Force Magno subalit wala pang linaw kung sino ang nasa likod ng naturang krimen.
Nauna nang lumabas na politika at negosyo ang posibleng motibo sa insidente.
Lumabas din kahapon na iniuugnay si Gamboa subalit mariin niya itong pinabulaanan dahil ang biktima ay malapit niyang kaibigan at supporter pa.
link:
[You must be registered and logged in to see this link.]