LAOAG CITY - Hinatulang mabilanggo ng 10
hanggang 17 taon ang akusado sa pagbaril-patay kay dating Laoag City
legal officer Atty. Antonio Pepoc Pastor.
Sa isinagawang promulgasyon sa Laoag
Regional Trial Court Branch 14 sa sala ni Judge Franciso Quilala,
maluwag na tinanggap ng akusado na si Efren Alagao, tubong Abra, ang
hatol laban sa kaniya bagama't patuloy na iginigiit na wala siyang
kinalaman sa pagpatay kay Pastor.
Si Alagao, kasama ang ilang iba pa ay sinampahan ng kasong murder sa korte ngunit siya lamang ang nahuli ng mga otoridad.
Hanggang ngayon ay hindi matukoy ng mga otoridad kung nasaan na ang iba pang akusado sa krimen.
Hindi naman nakadalo ang pamilya Pastor partikular ang biyuda ni Atty. Pastor na si Mrs. Maritess Pastor.
[You must be registered and logged in to see this link.]