CEBU CITY - Sasampahan ngayon ng kasong paglabag sa Tariff and Customs Code ang isang consignee, matapos maharang ng Bureau of Customs (BoC) ang isang 40-footer container van na nagmula sa Amerika na naglalaman ng mga piyesa ng M16 at M14 rifles sa isang daungan sa Cebu.
Kinilala ang consignee na isang Renato Ramos, na may address na Brgy. Banilad, syudad ng Cebu.
Napag-alaman na mga gamit pambahay ang idineklarang laman ng container van, ngunit nang inspeksyunin ito ng Customs, nadiskubre ang anim na motosiklo na galing sa U.S. at libu-libong basyo ng bala at piyesa ng baril.
Una rito, agad inatasan ni BoC District Collector Ronnie Silvestre si special agent Rico Mongaya na beripikahin ang natanggap na tip kaugnay sa kontrabando.
Matapos magpositibo, humingi ng tulong ang Customs sa Cebu Port Authority para i-hold ang pagpapalabas ng container van na nagmula sa Oklahoma, sakay ng NYK International Shipping Lines.
Sinasabing mga picture frame, figurines, damit, soccer ball, bag, libro, cabinet, at iba pa ang laman nito.
[You must be registered and logged in to see this link.]