Naghiyawan ang mga audience matapos na ihayag ni Pagcor asst. Vice President Bong Quintana ang kanyang pagmamahal sa partner nitong TV host na si Boy Abunda.
Sa kanyang Valentine message, sinabi ni Quintana na excited na siya sa araw ng mga puso dahil unang beses umano nila ni Boy na ise-celebrate iyon kasama ang kanyang nanay.
"I love you baby," dagdag pa ni Quintana.
Nangingiti namang kinuwento ng King of Talk na talagang nagbilangan sila ng kanyang partner kung pang ilang taon na nilang ipagdiriwang ang espesyal na araw at mismong si Bong pa raw ang nagsabing pang-27 na nila.
Para sa TV host, parte ng isang relasyon ang mga away at luha na siyang sumusubok sa dalawang taong nagmamahalan.
Kung maaalala, naging kontrobersiyal ang apppointment ni Bong Quintana dahil sa sinasabing impluwensiya ito ni Abunda na malapit sa pamilya Aquino.