CAGAYAN DE ORO CITY - Hanggang ngayon ay
palaisipan pa rin sa mga otoridad ang mga nasa likod ng brutal na
pagpatay sa isang lalaki sa bayan ng Initao, lalawigan ng Misamis
Oriental.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Warren Dacumo, 34, may-asawa at residente ng Relocation Site, Calaanan, Cagayan de Oro.
Ang bangkay ng biktima ay natagpuan sa
damuhan na bahagi ng Brgy. Gimangpang sa nasabing bayan, kung saad
isinilid ito sa isang sako at naliligo sa kanyang sariling dugo.
Ayon kay S/Insp. Cefriano Bazar, hepe ng
Initao police station, mayroong 34 na saksak sa katawan ang biktima at
nabasag pa ang bungo nito na pinaniniwalaang hinampas ng bato.
Sinunog rin ang dibdib nito at ang ikinagulat pa ay pinutol ang kanyang ari at dila.
Sinabi ni Bazar, nagpapatuloy ngayon ang
kanilang masusing imbestigasyon upang mahuli at makasuhan ang mga taong
responsable sa karumaldumal na krimen.
[You must be registered and logged in to see this link.]