Butata sa mga otoridad ang ginawang pagpapanggap ng anim na kababaihan na pitong buwang buntis, matapos na masukol ang mga ito ng pulisya sa aktuwal na pagnanakaw sa isang mall sa Ilocos Norte.
Sa report na dumating sa Camp Crame, ang mga suspek ay mula sa Baguio at La Trinidad na kinabibilangan ng anim na babae at isang lalaki na kanilang nagsilbing driver.
Nangyari ang entrapment operation laban sa mga suspek makaraang may magsumbong sa pulisya na patungo na sa isang Robinson Mall ang mga suspek. Ilang oras din umanong naghintay ang pulisya roon subalit wala namang napansin na mga kahina-hinalang kilos.
Paalis na umano sana ang mga pulis nang makuha ang kanilang atensyon sa anim na babaeng lumabas mula sa mall na pare-parehong pinagkamalang buntis dahil sa laki ng mga tiyan, subalit ganun na lamang ang gulat nang pumasok ang mga ito sa isang van at nang lumabas ay mistulang nanganak o wala ng laman ang tiyan ng mga ito.
Bunsod nito, nilapitan na ng mga awtoridad ang nasabing sasakyan at doon nga tumambad ang mga grocery item, kaya naman ng bumalik ang anim na babae na animo’y buntis ulit ay doon na dinakma ang mga suspek.
Ayon naman kay Chief Inspector Jay de Guzman hepe ng San Nicolas PNP, ngayon lamang umano niya na encounter ang nakakatuwang modus operandi ng mga suspek.
Paliwanag umano ng mga suspek na gipit sila at ngayon lamang umano ginawa ang nasabing pagnanakaw. Tinatayang nasa P80,000 ang halaga ng mga grocery items kinulimbat ng mga suspek sa naturang mall.
Sa ngayon patuloy ang imbestigayson ng PNP San Nicolas sa mga saspek na nahaharap sa kasong qualified theft at robbery.
[You must be registered and logged in to see this link.]